Entry: "Field Trip" raw namin... Saturday, August 26, 2006



Late nanaman ako para manood ng isang dula na Noli Me Tangere. Tapos iba na seating arrangement compared sa Florante at Laura sa AFP Theather last year. Siguro school yata namin late ngayon.Shocked
Wala rin pala akong nakita na kakilala ko dito. Dati kasi nakita ko doon si Dawn Villaflor, yung pinsan ni Jena Jao.

Tapos ayun maganda naman light effects, actors, actress, performance shdgjashdsd. Magaling sila, naportray nila ng maayos roles nila. Napansin ko din this year na (behave na ako at) wala yung pogi na narrator. Pero ok lang yun. Yung di lang ok wala (dalawang) cras ko...Big Smile Tapos ayon sa mga classmates ko, pogi daw si Crisostomo Ibarra. Di ko naman masabi na pogi siya dahil nasa pinakalikod ako sa audience at wala akong suot na salamin. Nakaupo pala ako sa pinakalikod as in likod. Naglagay pa ako ng monoblock na upuan sa likod ni Jas at doon ako umupo.

Maganda namang napanood namin ito dahil may ipapalabas kami sa Linggo ng Wika na dula ng Noli Me Tangere. Dahil dito, pumunta kami sa bahay ni Maxine dahil maraming kailangan ayusin sa dula na ipapakita namin sa Linggo ng Wika.

Halatang halata na mahirap magplano ng gagawin sa Linggo ng Wika kapag onti nalang ang iyong oras at pasaway pa ang iyong mga uutusan magdula. Halos maiyak sila Sara at Maxine sa pagaayos ng dula. At napansin ko naman ngayong Linggo, parang napakatahimik ko. Parang limitado lang ang aking mga masasabi, hindi ko alam kung bakit. Sabi nila wala naman raw akong sakit, hahahaha.

Oo nga pala, kaya nagtatagalog ako ngayon kasi sinusubukan ko lang kung hanggang saan ko lang kaya magtagalog. Sapagkat alam kong limitado ang pagtagalog ko hahahaha.

(Ibalik sa usapan...)
Pumunta kami sa bahay ni Maxine salamat sa kotse nila Jasmin. Kasama namin papunta doon ay sila Maxine, Jasmin, Ian, Gloria, Luigi, Kyra, Marilyn at Cyrill.

Nung papunta sa bahay ni Maxine, medyo nahihilo na talaga si Cyrill at sumuka siya. Medyo nabasa pantalon ni Karina na suot ko dahil ang haba ng pantalon niya at dumidikit sa sahig. Tapos nung nakakain na kami sa bahay ni Maxine, hinintay namin sila Sara, Ap, Jarred, Luigi, David, Polo at Carlo.

Nung sila ay dumating, kailangan na iuwi si Cyrill kaya sinamahan ko si Sara para iuwi na siya. Ayun, nagkuwentuhan kami ni Sara. Tapos nung pabalik na kami sa bahay ni Maxine, ang malas naman...naabutan ng ulan. Ayun, pagbalik namin "wetlook" na kami. Waw, tumawa pa sila. Tapos ayun nangaasar parin si David na "botter" ako kahit halatang hindi naman kasi sa totoo lang.............siya botter eh.Wink

Tapos wala kaming ginawa kung hindi magpractice, magisip ng backdrop at magkuwentuhan. Pagkatapos noon, medyo ginabi na kami at kinakailangan nang umuwi. Nung pauwi na kami, napansin ko na lahat halos sila naghahawakan ng kamay ng kanilang minamahal or chinuchuva. Halos lahat sila may kapartner. Nakikita ko sa dilim ang mga alitaptap at medyo napaisip ako...
Sayang di ako nagdala ng camera!!!

Medyo gabi gabi na kaya sumama ako kay Kyra at umuwi na. Grabe, ang tahimik ko ngayon. Di ko alam kung bakit.

 

 

 

 

Oo nga pala, di naraw planeta ang Pluto.Surprise
Go figure.Shocked

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments